Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagcor pinondohan Aurora, Tarlac evacuation center

0 72

Dalawang bayan sa Aurora at Tarlac ang tumanggap ng kabuuang P100 milyong tulong mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) para sa pagpapatayo ng dalawang multi-purpose evacuation center (MPEC) na magagamit ng mga residente sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Nakatanggap ang Dingalan, Aurora at La Paz, Tarlac ng unang tranche ng pondo para sa kanilang evacuation project na nagkakahalaga ng P50 milyon kada isa.

Una nang nagbigay sa kanila ang Pagcor ng tig-P25 milyon para mapasimulan ang proyekto kahit may pandemic pa.

Opisyal na ipinagkaloob ng Pagcor ang pondo sa ginanap na groundbreaking ceremony para sa dalawang MPEC project sa Brgy. Ibona, Dingalan, Aurora noong Abril 8 at sa Brgy. Rizal, La Paz, Tarlac noong Abril 9.

Sa ngayon, nasa 19 na evacuation center na pinatayo sa tulong ng Pagcor sa iba pang lugar sa bansa.

Sinimulan ang proyekto noong Nobyembre 2020 at nasa P463 milyon na ang ipinagkaloob ng Pagcor mula sa P2 bilyong budget nito para sa pagpapatayo ng mga evacuation center na matibay sa bagyo.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.