Una sa Balita

Pagcor naglalaway sa ₱20B ng POGO

0 323

TUTUTUKAN ng Philippine Amusement and Ga­ming Corporation (Pagcor) ang inaasahang 20 bil­yon pisong kita na manggagaling sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Ito ay matapos sabihin ni Pagcor Chairman Andrea Domingo na mananatili ang operasyon ng POGO sa bansa.

Hinikayat rin ni Domingo ang may 59 POGOs na magtayo ng kanilang mga shop.
Nalaman na naisapinal na ang alituntunin na sumasakop sa personal at corporate income taxes, pag-establisa ng mga POGO hubs at pagbibigay ng tatlo hanggang limang taon na licenses to operate.

Nabatid na ang offshore gaming operations ay nakapag-deliver ng kitang P11.9 bilyon noong 2016-2018 at inaasahan na makakapag-deliver pa ng kitang walong bilyong piso ngayon 2019.

Sinabi pa ni Domingo sa kanyang pagsasalita sa ginanap na three day event ng Phili-Asian Ga­ming Expo “We are offshore gaming operators in the Philippines. We are legal. We ensure fair play. We do not run away from losing bets and we are here to stay.”

Nakita rin ang pagdagsa ng mga Chinese wor­kers sa POGO nitong nakalipas na taon dahil sila ay nakakapagsalita ng Chinese dahilan ng pagkabahala ng mga mambabatas sa pangambang magi­ging kakumpetensiya ito ng mga Pilipino sa lokal na trabaho.

Sinabi ni Andrea na ang Pilipinas ay malakakolekta ng dalawang bilyong pisong buwis kada buwan sa mga offshore games. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy