Una sa Balita

Pagcor inutil sa 100 kolorum POGO

0 359

KINASTIGO ni House Minority Floor Bienvenido ‘Benny’ Abante ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) dahil sa pagkabigo nilang kastiguhin ang tinatayang 100 kolorum na Philippine Online Gaming Operator (POGO) na patuloy ang operasyon kahit walang sapat na permiso.

Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, nairita si Abante sa pahayag ni Pagcor legal services officer Atty. Jessa Fernandez na tinatayang 100 illegal offshore gaming hubs ang nasa POGO system.

“I just feel that Pagcor does not want to touch POGO… if you touch the POGO, you don’t have a good number of POGO outlets here,” saad ni Abante.

Isiniwalat ni Fernandez sa panel na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda na wala pa sa 60 POGO hubs ang ligal ang operasyon sa bansa.

“This is uncontrolled… how can Pagcor actually control and regulate the more than 100 illegal online gaming operators?” litanya ni Abante.

“I feel that Pagcor has its own government… government does not need any kind of a gaming that cannot be touched,” dagdag pa niya.

Upang mapalaki ang kita ng gobyerno, pinanukala ni Salceda na patawan ng 5% franchise tax ang annual gross income ng mga POGO.

Sa House Bill No. 5267 ni Salceda, ang mga POGO ay irerehistro bilang ‘resident corporations’, upang sila ay mapatawan ng buwis.

Idinagdag pa ng Albay solon na ang offshore gaming hubs ay maaaaring maging ‘potent revenue source, as well as means of placing these facilities under stricter oversight’.

Kinontra naman ni Abante ang panukala ni Salceda sa pagsasabing makabubuting palayasin na lang ang mga POGO sa bansa.

“I would suggest that we scrap the whole POGO all together if we are not going to really tax it, let us scrap it all together,” giit ni Abante. (JC Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy