Una sa Balita

Pagbuwag ng K to 12 program wala sa radar ng Palasyo

0 345

HINDI napapag-usapan sa Malacañang ang posibilidad na pagbuwag sa K-12 program ng Department of Education.

Ito ang inihayag ng Palasyo makaraang kumalat sa social media nitong weekend ang plano ng makabayan bloc na isulong sa Kamara ang pagpapatigil sa implementasyon ng K-12 program.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi nababanggit sa mga pulong sa Malacañang ang hinggil sa K-12 program.

“Wala akong.. I haven’t heard about that,” ang maiksing pahayag ni Panelo.

Nauna rito inamin ng Commission on Higher Education na may ilang problema sa transition program ng K-12 gaya ng pagkabinbin umano ng mga proyekto at kawalan ng probisyon para sa suweldo ng mga project-based researcher.

Dahil dito, plano ng Kabataan partylist na ipatigil ang implementasyon ng K-12 program dahil pahirap umano ito sa mga mag-aaral pati na rin sa mga magulang.

Ang K-12 program ng Department of Educatin ay ipinatupad noong nakalipas na administrasyon na layuning maihanda ang mga high school student na makakuha ng trabaho pagkatapos ng graduation, kung ayaw na ng mga ito na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.

Naging ganap na batas ito noong Mayo 2013 sa ilalim ng Republic Act No. 10533 kung saan ang 10-year basic education ay naging 12 taon. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy