Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagbuhay sa Cha-cha sintonado – Zarate

0 108

Kung si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang tatanungin, wala sa hulog ang pagtalakay ng Charter change (Cha-cha) lalo’t ngayong maraming Pinoy ang lubog dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live, nilarawan ni Zarate na ‘sintonado’ ang pagbuhay sa usapin ng Cha-cha kasabay ng health crisis na kinahaharap ng bansa.

“Talagang sintonado ang musikang ito ng Cha-cha dahil inamin na mismo ng pamahalaan na ang pinakamalaking problema na kinakaharap natin ngayon ay ang krisis nitong pandemya ng COVID,” saad ni Zarate.

Aniya pa, maraming problema na dapat munang lutasin ng gobyerno tulad ng rollout sa COVID 19 vaccine, kung saan tingin niya’y nagkanya kanya na ang mga local government unit (LGU) dahil sa kakulangan ng plano para sa bakuna.

“Andaming nawalan ng trabaho, maraming OFW ngayon nakauwi na, naka-standby lang at marami pang samu’t saring usapin na dapat pagtuunan ng pansin sa halip na itong Cha-cha,” lahad pa ni Zarate.

Dagdag pa ng kongresista, tingin nila’y nahahaluan ng political agenda ang pagsusulong ng Cha-cha.(Raymark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.