Una sa Balita

Pagbuhay sa ‘Alsa Masa’ binara ni Ping

By
0 510

BINALAAN ng dalawang senador ang Philippine National Police (PNP) sa posibilidad ng seryosong problema sa peace and order at malawak na mga pag-aaklas kung itutuloy ang pla­nong pagbuhay ng kahalintulad na kampanya na ‘Alsa Masa.’

Una nang napaulat na pinaplano ng PNP na palawakin ag kanilang Community Mobilization Project (CMP) na itutulad sa Alsa Masa ng Davao City noong dekada 80, upang labanan ang kriminalidad.

Gayunman, kinontra ito nina Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na dating hepe ng Pambansang Pulisya at Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan.

Sinabi ni Lacson na delikado ang hakbang na ito dahil maa­aring hindi na makontrol ng pulisya ang mga gagamiting network at mauuwi sa seryosong problema sa peace and order.

“It could be a very dangerous move especially if it spins out of control,” saad ni Lacson.

Inihalimbawa ng senador ang taktika na ginamit laban sa mga rebelde sa Davao City at sa iba pang bahagi ng Northern Mindanao kung saan ginamit ang Kuratong Baleleng ni Octavio Parojinog na nauwi naman sa pagiging vigilante.
“Without a well-planned, and structured exit program, it resulted on their choice of crime as the next career,” diin ni Lacson.

Sinabi naman ni Pangilinan na kailangang pag-aralang mabuti ng PNP ang planong pagbuhay sa Alsa Masa dahil posible itong maabuso.

“Alsa Masa in the 1980s became notorious for rampant violations of human rights, widespread atrocities and abuse all in the name of anti-communism and law and order,” diin ni ­Pangilinan. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy