Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Pagbubuntis’ ni Xian panalo sa rating

0 102

Sunud-sunod ang pasasalamat ni Xian Lim sa mga manonood, dahil sa pagtangkilik sa unang teleserye niya sa GMA 7, ang ‘False Positive’. Super saya ni Xian na hanggang dulo ay tinutukan ang mga eksena nila ni Glaiza de Castro.

“Hooray! False Positive is 3rd most watched show nationwide!” sabi pa ni Xian.

Makikita nga ang record sa rating na nanguna ang 24 Oras na may 12.9, habang ang ‘First Lady’ naman ay may 12.5. At ang False Positive nga ay may 10.0. So, bongga, di ba?

At siyempre, super happy siya na palaging trending ang bawat episode nila.

“Thank you for making ‘False Positive’ trending palagi!” sabi ni Xian.

At sa finale episode ngayong gabi (Friday), mas matindi siyempre ang eksena.

Ito kasing si Devon ay napansin ng mga reporter, vlogger. At nagmadali nga silang puntahan si Devon, na kasama siyempre si Edward.

Mabuti na lang at nandiyan si Maganda, gamit ang kapangyarihan, ay napigilan ang mga reporter, vlogger.

Tinulungan ni Yannie si Edward na makatakatakas. Pero sinundan pa rin sila ng mga reporter, vlogger.

At to the rescue naman si Marla kina Edward, Yannie. At siyempre, tumulong na rin si Malakas para mapigilan ang mga humahabol.

Nag-sorry si Marla kay Edward sa pag-iwan dito. At heto na nga, biglang nag-labor, o manganganak na si Edward.

Pero makulit pa rin sina Devon, Maritess at sinundan sina Edward.

Sa loob ng maternity clinic, todo abang ang lahat kay Edward. At nag-streaming live pa sila, ha!

Pero laking gulat nila na ang humintong van sa harap nila ay sina Malakas at Maganda ang sakay.

Samantala, sina Edward at Yannie ay nag-sorry sa isa’t isa. Ganun din sina Maganda at Malakas. Nagdasal sila kay Bathala na binabawi na nila ang request for annulment.

Pero biglang-bigla nayanig ang mundo, at may dalawang bolang liwanag ang bumagsak kina Edward at Yannie.

Ano nga ba ang nangyari? Nanganak ba si Edward? O biglang nabuntis ulit si Yannie?

‘Yan ang dapat tutukan ngayong Friday ng gabi!

‘The Running Man PH’ kaabang-abang

Samantala, dapat ding abangan ngayong Friday ng gabi sa 24 Oras, kung sino-sino ang mga bibida, maglalaban-laban sa ‘The Running Man PH’?

Although may idead na kami kung sino-sino sila, at siguradong magugulat kayo sa grupong ito.

At totoo nga ba na sa Korea kukunan ang mg aeksena nila?

Well, ang sigurado ako, puro hunk ang mga kasama, na puro magaganda ang katawan, maliban lang sa isang komedyante. Pero, may isang award winning actress din.

So, abangan na lang sila sa 24 Oras, at kung tuloy nga ba ang paglipad nila sa Korea?

Leave A Reply

Your email address will not be published.