Una sa Balita

Pagbubuntis ni Ellen aprub sa BFF ni John Lloyd

By
0 4,203

Natanong ko si Paolo Contis tungkol sa relasyon nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Mag-BFF sina Lloydie at Paolo simula pa lang sa Tabing Ilog ng ABS-CBN.

Sa taping ng isang episode ng Stories For The Soul na si Manny Pacquiao ang host, ko nakausap si Paolo. At sabi niya, sa Urian Awards pa last year niya huling nakausap si John Lloyd.

Masaya naman si Paolo sa isyung buntis si Ellen Adarna na girlfriend ni Lloydie.

“Kung totoo ang balita, I’m happy for John Lloyd, time na rin naman na magkaasawa at magkaanak siya. Saka sino tayo para i-question siya, choice niya iyon because of love, at nakikita ko naman sa ipino-post nila ni Ellen sa social media na masaya sila. Ang message ko sa kanya, ‘stay happy, basta wala kang tinatapakan, wala kang sinasaktan, be happy,” sabi pa ni Paolo.

Mikee Quintos boses aso

Mula nang mapanood ang Sherlock Jr. sa primetime block ng GMA, hindi maikakaila na isa sa mga tinututukan talaga rito ay ang cute na wonder dog na si Siri at ang boses nito na ginagampanan ni Mikee Quintos.

Aminado ang Kapuso actress na challenge para sa kanya noong una ang bigyan ng boses si Siri.

“Mahirap nung una kasi sinubukan namin na sa script kami susunod para maraming matrabaho in one take pero mahirap kapag hindi ko nakikita ‘yung eksena,” sabi ni Mikee.

Dagdag pa niya, “Mas maganda ‘yung resulta kapag nakikita ko kung papaano binabato ng artista kay Siri ‘yung mga linya nila tapos doon ire-record ‘yung mga sagot ni Siri. Mas madali kong nalalagyan ng expression ‘yung reactions ni Siri, tapos ‘yung bawat galaw niya sumasakto ‘yung words.”

Bianca, Miguel nakakakilig ang harutan

Hindi na talaga mapigilan ang pagkalat ng kilig na hatid ng love team nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Take note, hindi lang ito visi­ble sa kanilang serye na Kambal, Karibal.

Kahit kasi sa kani-kanilang social media accounts, up to date ang followers nila sa activities ng bawat isa. Kaya naman kapag nagpo-post ang isa sa kanila, abot hanggang langit ang kilig ng lahat at kapag ang isa naman ay nagko-comment sa post na ito ng isa halos mabaliw sa tuwa ang fans.

Tulad na lamang ng comment ni Miguel sa isa sa mga litrato ni Bianca na gandang-ganda siya rito, halos mapuno ng kilig emoticons ang comment section ni Bianca, huh! Grabe lang kasi kahit sa social media, iba kayo magpakilig!