Una sa Balita

Pagbubukas ng klase sa public schools sa June 5

By
0 113

Inanunsyo kahapon ng Department of Education (DepEd) na magsisimula ang klase sa lahat ng public elementary at high school sa bansa sa Hunyo 5.

Base sa kautusang inilabas ni Education Secretary Leonor Briones, ang bagong school year 2017-18 ay mayroong 204 school days, kasama na ang limang araw na in service training ng mga guro at apat na araw na parent-teacher conference kada tatlong buwan. Kaya kung susumahin ayon sa ahensya ang mga estudyante ay inaasahang papasok sa paaralan ng 195 araw.

Samantala, sa mga private schools naman, sinabi ng DepEd na maaari silang mag-iba ng araw ng pasukan subalit hindi sila maaring magsimula ng klase ng mas maaga sa Hunyo 5 at sa mga magbubukas ng klase sa Agosto ay hindi sila maa­ring magsimula ng klase sa huling mga araw ng nasabing buwan.

Dagdag pa ni Briones na ang mga eskwelahan na mag-iiba ng “class opening” ay kinakailangang mag-abiso sa mga DepEd Regional offices.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy