Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagbomba ng Russia sa Ukraine, walang puknat

0 201

Tuloy pa rin sa pag-atake ang Russia sa eastern Ukraine.

Sa ulat, ayon na rin sa National Police ng Ukraine, maraming sibilyan na ang nagbuwis-buhay sa walang puknat na pambobomba ng Russia sa 13 settlements sa Donetsk maging sa iba pang lugar sa Ukraine.

Maging ang twin cities ng Luhansk ay labis na ring napinsala kung saan tinatayang nasa 15,000 na sibilyan ang napag-alamang nananatili pa rin sa Severodonetsk.

Lumilitaw na ang pagpapaulan ng missile ng Russia sa nasabing bansa ay isang pangitain nang tangka nilang tuluyang paggiba sa puwersa ng Ukraine.

Tiniyak naman ni ni Serhiy Haidai, ang namumuno sa Luhansk regional military administration na patuloy nilang poprotektahan ang lugar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.