Una sa Balita

Pagbisita ni Duterte sa Leyte inusog dahil sa pagputok ng Bulkang Taal

By
0 303

Pinagpaliban sa ibang araw ang nakatakdang pagbisita sana ni Pangulong Rodrigo Duterte sa San Isidro, Leyte sa Martes.

Ito ang inihayag ng Malacañang sa harap ng kinakaharap na krisis ngayon ng maraming mamamayan ng Batangas dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na gustong makatiyak ng Pangulo na ligtas na pagbiyahe at paghahanda ng mga opisyal ng gobyerno.

Nakatakda sanang mamahagi ng mga benepisyo si Duterte sa mga rebeldeng umano’y nagbalik-loob sa gobyerno.

Maglalabas na lamang aniya ng abiso ang Palasyo kapag mayroon nang schedule ng aktibidad.

“Due to the recent eruption of Taal volcano, and to ensure safety of travel and better preparation of the officials, President Rodrigo Roa Duterte’s engagement in San Isidro, Leyte – the distribution of benefits to rebel returnees – has been rescheduled to later date,” ani Panelo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More