Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagbigyan kaya si Cynthia?

0 95

Kaawaan kaya at mag-give way mga tropapips ang mga “youngster” sa Senado para maging Senate President ang mas “senior” sa kanila na si Senadora Cynthia Villar?

Kung edad at pagiging matagal na senador ang pag-uusapan, talaga namang “senior” na si Villar. Kung hindi tayo nagkakamali, 70’s na si senadora. Bukod doon, naka-two term senator na siya at sa 2025 eh finish na siya…ang term niya.

Sino naman kaya ang patatakbuhin nilang senador sa susunod? Si Camille o si Paolo? O baka naman magbabalik ang multi-bilyonaryo na si Manny? Ngayon kasi mga tropapips, makakasabay ni Cynthia sa Senado ang isa niyang anak na si Mark.

Pero hindi lang sila ang magkadugo na sabay na magiging senador. Sabay din ang mag-utol na sina Pia Cayetano at Alan Peter Cayetano. At ang half sibling na sina JV Ejercito at Jinggoy Estrada. Aba’y muntikan pang maka-tsamba ang mga Binay. Kung nanalo si dating VP Jojo na pang-13 lang sa bilangan sa senate race, makakasabay sana niya ang anak na si Nancy.

Kaya pagdating sa botohan ng Senate President na hawak ngayon ni outgoing Senator Tito Sotto, asahan na kaniya-kaniyang ligawan na ang grupo-grupo sa Senado. Anong ligawan? Hatian sa pamumunuang komite. Agawan sa makapangyarihang komite gaya ng finance na hawak ngayon ni Sen. Sonny Angara.

Isama pa ang posisyon ng President Pro Tempore na mala-Little Senate President, at ang Majority Leader na taga-basbas ng bills na ilalatag sa plenaryo. Masabaw din ang Public Works committee at itinuturing Blue Ribbon committee at iba pa.

Sa ngayon, ang pangalan ni Sen. Cynthia at reelectionist Sen. Miguel Zubiri pa lang ang matunog na desididong maging SP. Iyong iba, pinapalutang lang ang pangalan nila para magpapansin at makakuha ng mataba-tabang komite.

Pero kung sina Cynthia at Migz lang ang maglalaban, aba’y baka makalamang ang babae lalo na kung tutulong ang mister niyang si Manny, na kilalang mahusay sa negosasyon bilang isang negosyante.

Kung totoo na itinutulak pa ni Sen. Imee Marcos si Cynthia, aba’y malaki ang posibilidad na mahilot pa nila ang mga bagitong senador na inindorso ng utol niyang next president na si Bongbong Marcos.

Baka maging dagdag-alas pa ng mga Villar si incoming VP Sara Duterte na mayroon ding mga kandidatong senador na inindorso at nanalo. Kilala rin siyang close sa mga Villar.

At maliban sa ligawan at bilangan ng kaalyado, baka malusaw ang puso ni Migz kapag sinabihan siya kunwari ni Sen. Cynthia na paunahin na siyang maging SP dahil “senior” na siya at tatlong taon na lang ang itatagal niya…bilang senador.

Baka hinahabol din ni Sen. Cynthia na mailista sa kasaysayan ng Senado bilang “first female” Senate President, at first husband and wife tandem na naging Senate President. Naging SP rin kasi noon ang mister niya si Manny.

At dahil “palangga” ni Sen. Migz ang lahat, at nakabawi na mula nang makaladkad ang pangalan noon sa “dagdag-bawas” scandal sa boto ni Sen. Koko Pimentel, baka nga lumambot ang puso niya kay Cynthia.

Hindi gaya sa Kamara na mukhang sureball ang pinsan ni Bongbong Marcos na si Leyte Rep. Martin Romualdez na maging Speaker, pero sa laban ng SP, mukhang matagal-tagal pa bago magkaalaman kung sino naman ang magiging bossing ng Senado. Kaya gaya ng dati, alam niyo na…abangan. Laging Tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy nyo”

Leave A Reply

Your email address will not be published.