Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagbebenta ng halaman hindi ire-regulate

0 196

Walang balak ang Department of Agriculture (DA) na pakialaman ang pagbebenta ng mga halamang pang-display o ornamental plant na isa sa mga naging libangan ng maraming Pinoy sa panahong lockdown dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gayunman, iginiit ni Agriculture Secretary William Dar na dapat maging parehas naman sa presyo ang mga nagbebenta ng mga ganitong uri ng halaman.

“Itong panahon ng pandemya huwag magsasamantala iyong nagtitinda ng mga ornamental plants na iyan. Halos lahat po ng Pilipino gustong may tanim sa bahay or ornamental plants,” pahayag ni Dar sa Laging Handa public briefing nitong Lunes.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.