Una sa Balita

Pagbato ng tissue ni Sharon kay Gabby ginaya ng mga fan

By
0 2,843
Hindi maka-reco­ver ang mga tao sa reunion nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa commercial ng isang fastfood chain. Hindi lang ang fans ng dalawa ang nagsasabing dapat na talagang magkaroon sila ng reunion movie dahil pati ang ibang hindi naman fan ng kanilang loveteam ay kinilig din sa kanilang dalawa.
 

Sabi pa, dapat na ring kalimutan ang anumang mga naging issue nung unang pag-usapan ang kanilang reunion movie under Star Cinema, lalo na ‘yung tungkol sa napakalaking talent fee raw na hinihingi ni Gabby, para matuloy na talaga ang reunion movie ng dalawa, huh!

 
Actually,  marami akong kilala na biglang naengganyong kumain sa fastfood na ‘yon dahil nga sa commercial ng ex-couple. May ibang ginagaya pa nga ang eksena ng dalawa sa commercial na ‘yon lalo na ‘yung pagbato ni Sharon ng tissue kay Gabby, ‘noh?!

Solo concert ni Erik suportado ni Regine

Sa #paMORE concert nila noong Saturday sa MOA Arena, panay ang puri nina Martin Nievera, Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid kay Erik Santos.
 
Nagpalakpakan ang mga tao nang sabihin ni Ogie na dapat lang na palakpakan si Erik dahil, ‘You have arrived, Erik Santos!’
 
Si Regine naman ay sinabing puwedeng-puwede na mag-solo concert si Erik sa MOA Arena at dapat ay sa kanyang 15th showbiz anniversary mangyari ‘yon.
 
Si Martin naman, pu­ring-puri lalo si Erik dahil sa duet nila ng Broadway musicals.
 
Actually, sobrang proud si Erik sa number niyang ‘yon with Martin dahil paulit-ulit niyang sinasabi na idol niya ang Concert King.
 
Sa ilang pakikipagtsikahan ko kay Erik, palagi niyang inaalala ang panahong wala pa siyang pera, pero mag-iipon siya mula sa kanyang baon para mapanood lang si Martin.
 
“Noon, iniipon ko ang baon ko. Tandang-tanda ko pa, nag-bus lang ako papunta sa CCP (Cultural Center of the Philippines) para panoorin ang isang concert ni Sir Martin (marespetong tawag niya sa kanyang idol). 
 
Wala pa kasi akong pera noon, kaya kailangan ko talagang pag-ipunan para mapanood siya!” sabi ni Erik na katabi noon si Martin habang kumakain kami sa Victorino’s restaurant, kaya naman sobrang nata-touch sa kanya ang singer/TV host.
 
Sinasabi nga pala ni Martin na ang gusto niya kay Erik, kahit na sikat na talaga ito, ay ‘yung pagi­ging masyadong humble!
 
Going back to his 15th showbiz anniversary concert nga pala, kung sakaling matutuloy siyang mag-MOA Arena, hindi ako magtataka kung mag-guest man doon sina Martin, Ogie at Regine dahil mahal na mahal ng tatlo si Erik!