Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagbati kay VP Sara

0 76

Magandang araw muli mga kababayan kong Bicolano! Noong Linggo, Hunyo 19, pormal nang nanumpa si Vice President-elect Sara Duterte sa harap ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.

Dumalo sa naturang inagurasyon ni VP-elect Sara ang kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte, inang si Elizabeth Zimmerman, President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dating Pangulo at ngayo’y congresswoman-elect Gloria Macapagal-Arroyo at marami pang iba.

Si VP Sara ang magiging ika-labinlimang Bise Presidente ng Pilipinas at ikatlong babaeng nahalal sa ikalawang pinakamataas na puwesto sa bansa. Una itong nakamit ni dating vice president Arroyo, na sinundan naman ng ating kababayan na si outgoing Vice President Leni Robredo.

Sa ngalan ng Ako Bicol at lahat ng ating mga kababayang Bicolano, malugod kong binabati
ang ating incoming Vice President Sara Duterte. Congratulations po!

Sa kabilang dako. nanumpa rin sa puwesto ang inyong lingkod, kasama ang bagong kinatawan ng Ako Bicol Party-list na si Atty. Raul Angelo Bongalon. Sa harap ni incoming House Speaker Ferdinand Martin Romualdez naganap ang panunumpa sa tungkulin.
Maraming maraming salamat po sa lahat ng sumuporta at nagtiwalang muli sa Ako Bicol Party-list.

Related Posts

Pagdaramdam

Bagong kabanata

Bilang pagpapatuloy ng ating serbisyo-publiko, malugod kong ibinabalita sa ating mga kababayan na noong Hunyo 15, 2022 ay ginawa ang Educational Assistance payout ng Ako Bicol sa Celebration Plaza, Embarcadero de Legazpi, Legazpi City. Bahagi ito ng Tabang sa Edukasyon program ng AKB upang maihatid ang tulong at suporta sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Legazpi.

Dinaluhan ang aktibidad ni outgoing Ako Bicol Representative Alfredo Garbin, Jr. at ng bagong kinatawan ng AKB na si Atty. Bongalon. Katuwang ng Ako Bicol sa naturang pay-out ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Layunin ng programang tulungan ang mga mag-aaral na nais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Inabot po ng ilang araw ang payout dahil sa dami ng mag-aaral na nakilahok sa programa.

Halos kasabay din nito ang payout sa mga Bicolanong nabigyan ng pansamantalang trabaho sa ilalim ng programa ng Ako Bicol at ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Iba’t-ibang barangay sa lungsod ng Legazpi ang pinakabagong batch ng benepisyaryo ng Ako Bicol-DOLE-TUPAD Pay-Out na ginanap sa Albay Astrodome noong Hunyo 16, 2022. Kabilang ang EM’s Barrio 2, Ilawod East, Sagmin, Ilawod 14, Tamaoyan at Bagumbayan sa mga barangay na kasama sa pay-out. Personal itong dinaluhan ni outgoing Cong. Garbin.
Patuloy ang Ako Bicol at DOLE sa pamamahagi ng tulong sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay pagkakataon na magkaroon ng hanapbuhay ang mga kababayan nating Bicolano.

Muli, maraming salamat po sa lahat ng sumuporta at nagtiwala sa Ako Bicol Party-list. Makakaasa po kayo na patuloy pa rin ang pagbuhos ng tulong para sa ating mga kababayang Bicolano. Dios Mabalos po!

Leave A Reply

Your email address will not be published.