Una sa Balita

Pagbasura sa plunder ni Gloria, dedesisyunan na

By
0 10

Inaasahan nang ipala­labas ng Korte Suprema ang desisyon nito ukol sa kaso ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nahaharap sa kasong plunder sa Sandiganbayan kaugnay sa P366 mil­yong PCSO intelligence fund mess, ayon sa ilang sources sa Kataas-taasang Hukuman.

Ang nasabing petisyon ni Arroyo na humihi­ling na ibasura ang kaso laban sa kanya dahil sa maginang ebidensya ay didinggin ng Supreme Court (SC) nga­yong araw sa isasagawang en banc session.

Matatandaan na dahil sa petisyon ni Arroyo ay nagpalabas ng status quo ante order ang SC laban sa Sandiganbayan kung saan pinigil nito ang paglilitis sa kaso habang hindi pa nareresolba ang nasabing petisyon.

Inamin naman ng source na may ilang ma­histrado ang pabor na agad nang desisyunan ang kaso ni Arroyo nang hindi na dumadaan pa sa oral arguments.