Una sa Balita

Pagbalik ni Coleen sa ‘Showtime’ sinopla ng ABS-CBN

By
0 2,455

May humaharang kaya sa muling pagbabalik ni Coleen Garcia sa “It’s Showtime”? Gusto na raw muling mag-host ng misis ni Billy Crawford ng “It’s Showtime” na kanyang iniwan noong 2016 dahil gusto raw niyang mag-concentrate sa acting.

Between 2016 and 2018, isang teleserye lang ang nagawa ni Coleen after “Pasion de Amor” at dalawang pelikula lang ang nagawa niya na parehong hindi pa kumita.

Dahil hindi nag-take off ang acting career, naging busy na lang ito sa pag-asikaso ng wedding nila ni Billy noong April 2018.

Abante Hiring – IT dep

After four months as Mrs. Crawford, nais daw bumalik ni Coleen sa “It’s Showtime” para maging host. Pero hindi raw pumayag ang ma­nagement ng ABS-CBN 2 na pabalikin siya sa show.

May valid na reason daw ang management kaya ‘di na nila pinabalik si Coleen. Pero may chika na may isang humaharang sa muling pagbalik ni Coleen sa show.

Kung matatandaan noong 2016, ang isa pang rason ni Coleen kung bakit umalis siya ng “It’s Showtime” ay dahil kampante na siya sa pagsasama nila ni Billy bilang mag-asawa.

“Right now everything basically changed. I’m still kind of getting settled in. I think it’s really a process.

“For us right now there’s no better feeling really and to have a partner that you know you’re going to spend the rest of your life with, it really changes everything.

“Kasi everything you decide, everything you think of, everything you, you put the other person into consideration.

“It’s great because no matter what you do you know you’re supported as well, so that’s how I feel. I feel like I’m never going to lose my partner, like hindi ako mawawalan ng kakampi, hindi ako mawawalan ng taong sumusuporta sa akin at naniniwala sa akin.

“So, it’s a really nice feeling to know na kahit anong mangyari, may sasalo sa akin.”

Tulad ni Coleen, wala na rin si Billy sa “It’s Showtime” dahil ginawa nitong rason ay busy ito sa recording ng kanyang ilalabas na ­album. ()