Una sa Balita

Pagbagsak ng ekonomiya pipigilin ng BSP

0 437

Gagawin ng gobyerno ang lahat upang maiwasan ang economic recession bunsod ng COVID crisis, ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas governor Benjamin Diokno.

Sinabi ni Diokno sa interview ng ANC na pinahintulutan na siya ng Monetary Board na bawasan ang reserve requirement ratio ng mga bangko ng 500 basis points pero 200 basis points pa lamang ang kanyang tinanggal.

“We’ll do everything so we can avoid a recession in the Philippines. So, we’ll do both fiscal and monetary policy,” ayon sa BSP governor.

Binanggit pa ni Diokno na patuloy ang pag-angat ng ekonomiya sapol noong Asian financial crisis kaya umaasa siyang mahahadlangan nila ang recession.

“I think the Philippines is resilient enough. I think, if we do the right thing, we can avoid a recession.” aniya pa.

Nauna nang nagbabala si Socio-economic planning Secretary Ernesto Pernia na posibleng magrehistro ng 0.6 percent ang gross domestic product dahil sa pinatutupad na lockdown sa Luzon.

Huling naitala ang 0.6 percent GDP noong 1998 Asian financial crisis.

Sinabi naman ni Diokno na malaking tulong ang $1.5 bilyong ayuda ng Asian Development Bank at nag-imprenta na rin ang BSP ng maraming salapi.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More