Una sa Balita

Pagbabawal sa open-pit mining ‘di isusuko ng Kamara

By
0 158

Ipupursige ng Kamara na maipagbawal ang open-pit mining at pagrebisa sa pagbubuwis sa mga produktong mineral.
Ito ay sa kabila ng mahigpit na pagkontra mula sa industriya ng pagmi­mina.

Sa ginanap na pulong kahapon ng binuong technical working group ng House Committee on Ways and Means tinaningan ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang Department of Finance (DOF) na isumite na ang kanilang bersyon ng pa­nukala patungkol sa naturang usapin.

“I advise the industries, talk to the DOF other­wise we make our own. I mean talk to the DOF and let the DOF come back with a new draft in three days time otherwise we do our own. Anyway it’s not your prio­rity it’s just the President’s priority,” paghahayag ni Arroyo.

Alinsunod sa binabalangkas na panukala ng House panel ang mga mining contractor (metallic at non-metallic mining operations) mapa-large-scale o small-scale ay pagbabayarin ng gobyerno ng royalty ng mula tatlo hanggang limang porsiyento.

Sa kasalukuyan ang royalty ay ipinapataw lamang sa mga minahan na idineklarang mineral re­servations.

Iminungkahi rin ni Arroyo na malinaw na bigyan ng depinisyon sa panukala ang open-pit mi­ning at ang gagawing pagbabawal dito.

Tiniyak ni DOF Assistant Sec. Ma. Teresa Habi­tan na tatalima sila sa hirit ng Kamara.

Samantala, umalma naman si Chamber of Mines of the Philippines chairman Gerard Brimo, at inihayag na ang pagpapataw ng royalties ay makakaapekto at kalaunan ay papatay sa industriya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy