Una sa Balita

Pagbabalik sa laro na kay Calvin — Kume

0 446

NASA mga kamay mismo ni Phoenix Pulse Fuel Masters forward Calvin Abueva ang kasagutan para sa kanyang mas mabilis na pagbabalik sa Philippine Basketball Association (PBA).

Ito ang isiniwalat mismo ni PBA commissioner Willie Marcial ilang oras bago lumipad kasama ng koponan ng Rain or Shine Elasto Painters at San Miguel Beer patungo sa Caga­yan De Oro para sa isasagawa ngayong hapon na out-of-town game sa eliminasyon ng PBA Commissioner’s Cup.

“It is up to Calvin,” pagpapaliwanag ni Marcial. “Nasa kanya na ang lahat ng kasagutan at pagdedesisyon kung gusto niya na makabalik kaagad at makapaglaro uli.”

Ipinaliwanag ni Marcial na ilang araw matapos na patawan ng indefinite suspensiyon si Abueva ay kinausap niya ang manlalaro nang personal at ipinaliwanag ang lahat ng mga nakasalalay para sa liga, sa kanyang koponan at pati na sa kapwa nito mga manlalaro.

“Kinausap ko na siya nang personal. Ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat ng mga responsibilidad ng isang player sa kanyang team, sa liga, sa kapwa manla­laro at maging sa mga tagasuporta ng ating liga. Nasa kanya na mismo ang daan kung gusto niya makalaro at matulungan ang kanyang team,” sabi pa ni Marcial. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy