Una sa Balita

Pagbabalik ni Blatche good move — Chot

‘PINAS PAPASOK SA WORLD CUP!

By
0 525

MAKAKAPASOK ang Team Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup sa China sa darating na Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa China.

Ito ang bold prediction ni dating National Team head coach Chot Reyes kaugnay sa nakatakdang pagsalang ng ‘Pinas sa sixth and final window ng FIBA Asia World Cup Qualifiers laban sa mga koponan ng Kazakhstan at Qatar ngayong Pebrero.

“Very good (tsansa sa 2019 FIBA World Cup). I think with Andray Blatche back, we can beat Kazakhstan and Qatar,” sagot ni Reyes sa panayam ng Abante kahapon sa Makati City.

Paliwanag ni Reyes, tamang desisyon ang ginawa ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na pabalikin na si Blatche upang tulungan ang PH dribblers.

Suportado rin ni Chot ang bagong head coach ng Nationals na si Yeng Guiao. Tingin nito, tama ang ginagawa ng bagong bench tactician.

“I think they’re doing all they can given the circumstances. You know nahirapan sila nun (fifth window) dahil ‘yung original players nasuspinde. So they had to get brand new set of la­yers. But now that they are going back to Andray Blatche, I think that’s a right move,” dagdag nito.

Bumaba sa puwesto noong nagdaang Setyembre si Chot bilang head coach ng Team Pilipinas kasunod ng ‘basketbrawl’ sa pagitan ng Team Pilipinas at Australia Boomers noong Hulyo 2 sa Philippine Arena.