Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagbabakuna ng Priority Group A4

0 60

Ang pagbabakuna ng Priority Groups A1 hanggang A3 o ang mga medical frontliners, seniors, at mga taong may co-morbidities ay nagpapatuloy habang unti-untingisinasagawa ang National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.

Ang sabayang pagbabakuna ng tatlong priority group ang estratehiyang ginagamit para maibaba angbilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Alinsunod dito, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa aming huling pagpupulong noong Abril 15, 2021, ang huling listahan ng Priority Group A4 bilangpaghahanda sa pagbabakuna ng mga kabilang sakategoryang ito.

Ang A4 Priority Group na tinukoy ng National Task Force Against COVID-19 Task Group Recovery Cluster aynagmumula sa mga sektor ng ekonomiya na may mataasna antas ng pakikisalamuha sa publiko at hindi ganap namakakasunod sa minimum public health standards dahilsa likas na katangian at pangangailangan ng kanilangtrabaho.

Una sa listahan ng A4 Priority Group ang mga nasakategorya ng transportasyon para sa lupa, himpapawid, at dagat, kabilang ang logistics. Susunod dito ang mgatindera sa publiko at pribadong wet at dry market at mganagtatrabaho sa groceries, supermarket, at mga delivery services.

SM food to go Banner Ad

Kabilang din sa A4 ang mga nagtatrabaho sa factory ng pagkain, inumin, medical at pharmaceutical products patiang frontliners sa food retail at food service delivery.Kasama din ang mga frontliners sa pribado at pampinansyal na serbisyo ng gobyerno, at frontliners samga hotel at accommodation establishments.

Ang mga pinuno ng relihiyon pati ang mga security guard at tauhan na nakatalaga sa mga establisimiyento, tanggapan, ahensya, at samahang tinukoy sa listahan ng mga prayoridad na industriya ay kabilang din sa Priority Group A4.

Ang mga frontliners sa news media ng gobyerno at pribadong kumpanya ay kabilang din sa A4 Priority Group.Isa ako sa mga nagmungkahi sa IATF na isama angsector na ito sa A4, at natuwa ako nang malaman koisinama talaga sa listahan ang mga nagtatrabaho sa news media.

Paulit-ulit kong ikinampanya ang paglalagay ng mganagtatrabaho sa media sa vaccination priority list dahilalam ko na mataas ang posibilidad na mahawa silahabang ginagawa nila ang kanilang trabaho. Sa akingmga press briefing, maraming beses ko ding binanggit saMalacañang Press Corp na masigasig kong isusulong angpagsasama sa kanila at sa iba pang miyembro ng media sa listahan ng bibigyang prayoridad sa pagbabakuna.

Nag-lobby din ako na isama sa prayoridad ang mgatauhan ng gobyerno na

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.