Una sa Balita

Pagbabagong anyo ni Contessa wagi sa ratings

By
0 1,958

Tinutukan at nag-trending talaga ang pagbabagong-anyo ni Glaiza de Castro bilang Contessa. Inabangan ng avid viewers ng serye ang kanyang transformation matapos ang lahat ng naging paghihirap niya as Bea.

Hindi basta-basta ang acting niya rito, ayon sa mga fan niya. Para sa kanila, ramdam nila na ito ang pinaka-challenging na naging role ng kanilang idol. Pinaghandaan at binusisi rin kasi talaga ang kanyang new look sa serye.

Maliban sa husay niya sa pag-arte, marami ang humahanga sa pag-compose niya ng musika at pagkanta. Nang minsan naming nakatsikahan si Glaiza, inamin ng aktres na may kailangan siyang unahin sa pagitan ng dalawa niyang hilig.

Dagdag pa niya, time management talaga at pagpa-prioritize sa mga bagay-bagay ang inaaral niyang gawin ngayon.

“Sa ngayon kasi priority ko ‘yung Contessa pero unti-unti nasusu­bukan kong magpasok ng mga meetings in terms of what we want to do for our next album.” Talaga namang role model si Glaiza hindi lang sa mga kabataan ngayon kundi pati na rin sa mga young professional.

Aso ni Ruru nagturo ng stunt sa mga stuntman

True naman na ang aso ang truly man’s best friend. Totoong-totoo ito sa petmalung pet ng Kapuso viewers na si Siri ng Sherlock Jr. dahil kahit sino yata kasi ang makasama niya o makatrabaho, gagaan ang loob at magiging best friend ito.

Tulad na lamang ng mga stuntman na nasa set ng kanilang well-loved GMA Primetime series. Sa isang post kasi nito sa kanyang Ins­tagram page, game na game si Siri na makipag­laro sa kanila habang naka-break sa kanilang shooting. Ayon sa caption ng photo ni Siri sa kanyang social media page, tintuturuan daw niya ang mga ito ng kanyang stunt — ang Roll Over.

Paghuhubad ni Miguel inaabangan ng mga fan

Matapos makita ang transformation ng kanyang ka-loveteam at nililigawan na si Bianca Umali after ilang months ng pagpunta sa gym, ang inaabangan naman ngayon ng Bi­Guel fans na mag-reveal ng produkto ng kanyang pagdyi-gym ay si Miguel Tanfelix. Panay kasi ang pag-post nito ng teaser tungkol sa mga activities na ginagawa niya sa loob ng gym.

Na-excite ang mga fan sa nasabing fitness journey ng Kapuso leading man dahil for sure, mas kakikiligan sila ni Bianca. Marami nga ang nagsa-suggest na baka puwede raw ay video-han niya na sabay silang mag-gym at gumawa ng mga routines. For sure, hindi lang sa Kambal, Karibal sila mas kakikiligin. Talbog.