Una sa Balita

Pagbabago ng Pasig-Marikina River makakabawas sa baha – DPWH

By
0 526

KUMPIYANSA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang ginagawang Pasig-Marikina River Channel Improvement Project (PMRCIP) ay makaka­tulong upang makabawas sa madalas na pagbaha dulot ng pag-apaw ng Pasig-Marikina River na nagreresulta sa pinsala sa buhay, ari-arian at impraestruktura sa Metro Manila.

“This project compri­ses of the construction and installation of revetments, parapet walls, dike embankment, sluice structures, bridge foundation protection and even river­bank excavation, dred­ging works, and drainage improvement along the prio­rity critical sections of the Pasig-Marikina River,” ayon sa DPWH.

Ang Phase III ng proyekto ay nakompleto na at binubuo ito ng Lower Marikina River Improvement (Napindan Channel sa Downstream ng Mangahan Floodway) habang tinatapos ang Pasig River Improvement (Delpan Bridge sa Na­pindan Channel).

“The completion of Phase III decreased flood inundation by 18% as well as reduced flood damages by Php 14.3 billion. It also reduced the number affected population by 0.2 million,” ayon pa sa ulat.

Ang civil works sa Phase IV ay kasalukuyang ginagawa at target nito na maibaba ang pag-agos ng Mangahan Floodway papuntang tulay ng Marikina. Ang konstruksiyon ng Marikina Control Gate Structure ay kasama rin sa naturang phase. Mapapababa nito ang pagbaha ng 7.5%.

“This channel improvement project will also help create a more dynamic economy in the metro by providing a flood-free urban center­ and rehabilitated drai­nage system, thus resul­ting to a sanitized and improved living condition for people residing around the area” dagdag pa sa ulat ng kagawaran.