Una sa Balita

PAGASA: Wet Christmas, asahan

By
0 164

Asahang makararanas ng wet Christmas season ang bansa.

Ito ay matapos ihayag ng Philippine Atmosphe­ric Geophysical and Astronomical Services Admi­nistration (PAGASA) na may posibilidad na magi­ging maulan ang `ber’ months hanggang pagsapit ng pagpasok nito sa bansa.

Ayon sa PAGASA, posibleng sumabay na rin ang panahon ng La Niña sa pagpasok ng buwan ng Set­yembre dahil sasabayan ito ng amihan na siyang nagdadala ng malamig na hangin.

Sinabi ng PAGASA na kadalasang tumatagal ng anim na buwan ang La Niña kaya asahan ang maulang Pasko.

Huling naranasan ang La Niña noong taong 2011 at 2012 kung saan mahigit 1,000 katao ang namatay sa pagtama ng bagyong Sendong.

Samantala, aasahan pa rin umano ang isolated thunderstorm sa Metro Manila at mga karatig na araw hanggang ngayong araw kahit nasa labas na ng teritor­yo ng Pilipinas ang bagyong Dindo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy