Pagasa: Walang banta ng aftershock, tsunami sa 7.1 lindol

Walang malaking damage na inaasahan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa tumamang 7.1 magnitude quake sa Davao Occidental kung saan bagamat makakaranas ng malalakas na aftershocks ay hindi ito lubos na mararamdaman.
Ipinaliwanag ni Phvolcs Director Renato Solidum na dahil sobrang malayo ang epicenter ng lindol ay hindi na rin lubos na mararamdaman ang mga aftershocks at wala ding banta ng tsunami.
Ang epicenter ng tectonic earthquake na tumama alas-8:23 ng gabi ay naramdaman sa bayan ng Abad Santos, Davao Occidental, may lalim ito na 111 kilometers.
Nasa Intensity V ang naitala sa General Santos City, Intensity IV sa Davao City at Intensity II sa Bislig City at Surigao del Sur. (Tina P. Mendoza)