Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagasa: Tag-ulan nagsisimula na

0 78

Senyales na papasok na ang rainy season sa bansa dahil sa nararanasan na pag-uulan tuwing hapon at gabi, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon kay Climate Monitoring and Prediction Section chief Ana Liza Solis, magtatagal ang mararanasang pag-ulan sa hapon dahil sa pagpapalit mula sa hanging amihan patungong habagat.

Gayunman, hindi pa umano matukoy ng Pagasa kung kailan idedeklara ang opisyal na simula ng tag-ulan dahil sa umiiral pa rin na maalinsangan na panahon sa umaga dahil sa amihan.

Nagbabala rin si Solis na posibleng magdulot ng pagbaha at landslides sa Batanes, Babuyan Islands at Ilocos Norte dahil sa nararanasang frontal system.

Magkakaroon aniya ng maayos na lagay ng panahon ang buong bansa partikular ang Metro Manila maliban sa kalat-kalat na pag uulan sa hapon at gabi. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.