Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagara balik ring sa Abril

0 165

ABANGER!

Ito ang status ngayon ni world-rated super bantamweight contender “Prince” Albert Pagara nang kontakin ito ng MTK Global at D4G Promotion para sa susunod niyang laban.

Pinaalalahanan kasi siya ng nasabing promotion team na kumpirmado na itong babalik sa ring sa Abril 3 ngunit sa ngayon ay wala pa ring pangalan kung sino ang kanyang makakaharap.

Related Posts

Ang lalahukan niyang upakan ay kabilang sa line-up ng “Dubai Fight Series” na mapapanood sa US via ESPN+.

Matatandaang huling nakipagsuntukan si 26-anyos Maasin City-pride boxer Pagara nitong December 2020 nang talunin si Virgil Putom via unanimous decision.

Hawak ang 32-1 win-loss record.

Makakasama niya sa fight-card si Pinoy boxing star Donnie ‘Ahas’ Nietes na kasabay niyang pumirma sa MTK Global matapos magsara ang kanilang local boxing promotion na ALA Boxing dulot ng COVID-19. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.