Una sa Balita

Pag-uulan patuloy dahil sa habagat – Pagasa

By
0 518

BAGO tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay naging severe tropical depression pa ang bagyong ‘Inday’ na mas pinalakas ng hanging habagat na nagdulot ng tuloy-tuloy na pag-uulan sa Luzon kabilang ang Metro Manila.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophy­sical and Astronomical Services Administration (Pag­asa), Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga inaasahang lalabas ng PAR ang bagyong Inday ngunit bago ito tuluyang maka-exit ng bansa ay mag-iiwan ng malakas na pag-uulan partikular sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Tarlac at Nueva Ecija.

Asahan umano na hanggang Sabado ay makakaranas ng pag-uulan sa nabanggit na mga lugar kabilang na ang Metro Manila at nalalabing lugar sa Luzon.