Una sa Balita

Pag-urong ng Olympics aprub

0 400

MAGSASABAY na sa taong 2021 ang pagdaraos ng 2020 Tokyo Olympics sa Japan at ang ika-31 edisyon ng Southeast Asian Games (SEAG) sa Vietnam dahil sa lumalala pang pandemic na COVID-19.

Ang ilang Philippine sports official, pabor sa kanselasyon ng Olympics sa susunod na taon at walang nakikitang problema kahit magkasabay pa ang pagdaraos naman ng SEA Games.

Tingin ni Philippine Olympic Committee (POC) president at congressman Abraham ‘Bambol’ Tolentino, hindi maaapektuhan ang preparasyon ng mga national athlete sa pagdepensa ng overall crown sa SEA Games kahit kaparehong taon ito gawin kasabay naman ng Japan Olympics.

“It’s the right decision, for athletes, officials, organizers and spectators. For our safety,” sabi kamakailan ni Cong. Bambol.

“May chance pa rin tayo sa medals for those who qualified because they can train more and a chance to qualify more.”

Sa kasalukuyan ay mayroon nang apat na Olympic qualifier ang Pilipinas sa katauhan nina pole vaulter EJ Obiena, gymnast Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo at mga boksingerong sina Felix Eumir Marcial at Irish Magno.

***

Nasa ikatlong lingo na po tayo ng Enhanced Community Quarantine, imbes na ma-contain ang pagkalat ng virus ay patuloy pa pong dumarami ang nahahawa.

Hindi naman natin pwedeng isisi lahat sa gobyerno.

Kailangan talaga ang disiplina ng bawat isa sa atin. Magtiis muna sa loob ng bahay kung wala namang gagawin sa labas.

Mas mahalaga ang buhay kaya huwag sanang magng pasaway.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More