Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pag single pa sa edad na 35: Bea kukuning sperm donor sina Ian, Piolo

0 233

Libo-libong fan pa rin ang kinikilig kina Ian Veneracion at Bea Alonzo. Iba pa rin ang tandem nilang dalawa, kahit sabihin pang medyo mas may edad si Ian kesa kay Bea.

Anyway, sa latest vlog ni Bea, si Ian nga ang kanyang guest. Nakipag-date nga si Bea kay Ian sa episode na ‘Dinner Date with Ian Veneracion.’

Ang bongga nga na parang walang nakatutok na mga kamera sa kanila, dahil tulad sa mga magjojowa, panay lang ang chikahan nila ng kung ano-ano.

“Ang tagal mo, late ka,” sabi ni Bea kay Ian.

“Miss, puwedeng makipagkilala?” hirit naman ni Ian.

“Hindi puwede!” sagot ni Bea.

“Ang guwapo mo, umupo ka na lang! Hahahaha!” dugtong na sambit ni Bea.

“Ganiyan ka ba talaga makipagkilala?” tanong ni Bea kay Ian.

Anyway, sa chikahan na `yon nga mas nakilala si Ian bilang gentleman, na mahilig mag-compliment, iparamdam kung gaano kaganda, kaespesyal ang mga babae sa harap niya.

“Mambobola ka eh!” tawa nang tawa na sabi ni Bea kay Ian.

“Ako? Ako? Ako?” sunud-sunod na tanong ni Ian kay Bea.

Aliw na habang nagchichikahan sila, umuorder sila ng food. At lalong aliw nang tawa nang tawa si Bea sa mga title ng mga pelikulang nagawa na ni Ian noon tulad ng Boy Praning, Alyas Boy Tisoy, at kung ano-ano pa.

Humirit din si Bea ng tanong kay Ian kung bakit hindi ito nagpa-sexy noong mga panahon na uso ang sexy movies. At hindi nga ang sagot ni Ian, dahil noon pa man, alam na niya kung ano ang gusto niya.

Ni hindi nga raw siya nanligaw sa mga naging leading lady niya. Na kahit uso noon na kapag magksama kayo sa pelikula, dapat maging kayo rin.

Sobrang close nga sina Ian at Bea, na sa mga panahong kailangan ni Bea ng kaibigan, nandiyan lang si Ian. Noong mga panahong lugmok ang puso ni Bea, hinahanap siya ni Ian para yayain na mag-dinner.

Siyempre, napag-usapan ang tungkol sa pakikipagrelasyon. Si Ian nga ay never nabalitang nambabae, at super loyal sa kanyang misis. Si Bea, ilang beses nan gang napahiwalay sa kanyang dyowa, ang last nga ay si Gerald Anderson.

Para kay Ian, ‘best decision of his life’ ang magpakasal sa misis niya ngayon.

Tinanong ni Bea si Ian kung dapat na ba siyang magpakasal. At ‘no’ ang sagot ni Ian, pero dapat daw ay mag-anak na si Bea.

“Sabi nga ng kaibigan ko, kung gusto mo ng bacon, hindi mo kailangang bilhin ang buong baboy. Hahahaha!” sabi ni Ian, na tinawanan nang husto ni Bea.

Naikuwento ni Bea na dream niya noon na sa edad na 28 ay magkaasawa na siya at magkaanak. Pero, hindi nga ‘yon nangyari.

“Sana makahanap ako ng partner na kasingbuti mo bilang tatay. Pero hindi bilang asawa! Hahahaha!” sabi ni Bea kay Ian.

At kaloka lang na may usapan pala silang dalawa noong nagkasama sila sa teleserye sa ABS-CBN. Si Ian ang nakaalala ng usapan nila noon.

“May usapan tayo dati, di ba? Na pag umabot ka ng 33, hihingi ka ng donations from the guys na gusto mo…” sabi ni Ian.

“Na guwapo talaga, na kagaya mo!” hirit ni Bea.

“Wow! Genetically gusto mo, sabi mo twins. Si Piolo (Pascual), sabi mo, ako,” hirit ulit ni Ian.

“Dapat may waiver kayo na bawal kayong humabol (sa baby). Hahahaha!

“Umabot na ako sa doon. Pero, kaya pa naman, siguro push nating hanggang 35. Hahahaha!” sabi ni Bea.

Pero `yun nga, dapat ay random lang talaga, na hindi malalaman ni Bea kung sino kina Ian at Piolo ang pinanggalingan ng sperm, o donor.

Ang bongga, di ba? Pero sabi nga ni Bea, kaya pa naman hanggang 35, dahil 33 na ngayon si Bea.

Anyway, mapapanood si Ian sa Kilabotitos with Ogie Alcasid sa March 26, sa ktx.ph. Sa mga gustong mapanood uli sina Ian at Ogie na nagpapakilig, buy na kayo ng tiket at nood na.

Si Ian nga ang masasabing kilabot ng mga titas! Kaya sure ako, maraming Pinay abroad ang tututuok sa concert nilang ito.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.