Una sa Balita

Pag-recycle ng mga pulis sa iligal na droga tuloy — Duterte

0 426

SINANG-AYUNAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino­ na talamak ang recycling ng iligal na droga sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na matagal ng ginagawa ang drug recycling ng ilang tiwaling mga pulis at hindi aniya masisisi si Aquino sa pagsasabi nito dahil dismayado na marahil ito.

Batid din ng Pangulo ang drug recycling ng ilang alagad ng batas kaya hindi nakapagtatakang galit na galit at dismayado ang PDEA chief.

“Matagal naman talagang gina­gawa yan and I cannot fault Aquino for saying it. I think he is also not only exasperated but I think he’s really very disappointed with everybody,” anang Pangulo.

Inatasan aniya ng Presidente si Aquino na sundan ang mga pulis na gumagawa ng recycling para makakuha ng ebidensiya at makasuhan at maparusahan ang mga ito.

Bistado na rin ni Pangulong Duterte ang diskarte ng ilang ­tiwaling pulis na kapag nakahuli ng 20 kilo ng shabu, ang irereport lamang ay 10 kilo at ipagbibili ang kalahati sa labas, at may award pa ang mga ito.

Pero sa kabila nito tinitiyak ng Pangulo na bago magtapos ang kanyang termino ay mababawasan na ang sakit ng ulo sa ­iligal na droga sa bansa. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy