Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pag nawala ang Showtime: Ikamamatay ko `yon – Vice Ganda

0 4,166

Ngayong ‘patay’ na ang ABS-CBN (base sa term na ginamit ng channel 2 na ‘pinatay’ ng Kongreso ang kumpaniya nila), marami ang nagtatanong, ano na ang mga susunod na pangyayari?

Ang mga programa bang napapanood nila kahit papaano sa Kapamilya Channel, TFC, iWant, ay tuluyan na ring mamamatay? Mananahimik ba muna ng dalawang taon ang Kapamilya network?

Sa It’s Showtime ay pinag-usapan ng mga host kung ano ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kanila ngayon.

“Itong pagpasok ko dito (sa It’s Showtime). Kasi nakaka-stress talaga ang nangyayari sa paligid,” sabi ni Vice Ganda

“Ang pagpasok ko dito, may pinagdadaanan man tayong lahat, nakakatawa pa rin. Pag tumatawa, ang paghalakhak natin lahat nang sama-sama at `yung makatsika ko lang kayo, nakakagaan na ng kaloooban ko.

“Siguro ‘pag nawala ‘tong programang ito na papasukan ko araw-araw, na hindi ko na kayo tuluyang makikita, ay ‘yun na siguro ang magiging simula ng pagkakasakit ko, at ikamamatay ko `yon. Nakakadagdag sa buhay ko itong pagtawa ko na kasama kayo,” saad ni Vice.

Pero siyempre, bago pa mangyari ang sinasabing `yan ni Vice, mukhang nakagawa na siya ng paraan para mas maging maligaya. Bukod nga kasi sa boyfriend niyang si Ion Perez na obyus na pinagkukunan niya ng kaligayahan ngayon, may itinatayo siyang Vice Ganda Network, na mapapanood sa YouTube.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa tantiya ko, sa channel na ito ni Vice ilalabas ang lahat ng naglalaro sa isip niya, at magbibigay na rin ng trabaho sa iba pang mga kasamahan niyang komedyante na nawalan nga ng trabaho.

Charo sugatan ang puso sa nangyari sa Dos

Wasak ang puso, ganiyan ilarawan ni Miss Charo Santos Concio ang sitwasyon niya nang tuluyan nan gang patayin ng 70 kongresista ang ABS-CBN na mahabang panahon din niyang pinamunuan.

“I am beyond heartbroken. Hindi lang po para sa akin kundi para po sa aming libo-libong mga Kapamilya dito at sa buong mundo.

“To Carlo, Cory, Mark, Ging and to the rest of the Franchise Renewal team, maraming maraming salamat for your courage, humility and strength. I am so proud of all of you!

“Sa aking mga Kapamilya sa ABS-CBN na pinuno ang langit ng dasal, it is with great pride that I all call you Kapamilya.

“Sa amin pong mga tagasubaybay, kayo po ang aming naging inspirasyon… hindi namin kayang suklian ang inyong pagmamahal. “Maraming Salamat po. Hinding-hindi po mabubura sa aming mga puso ang ating pinagsamahan! Naniniwala po ako na tayo po ay muling magkikita.
“To our dear God, ikaw po ang aming magiging lakas sa mga darating na araw. #SaMulingPagkikitaKapamilya,” sabi ni Miss Charo.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.