Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Pag nagkrus landas! Duterte susuntukin si Del Rosario

0 82

Hindi naitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matinding pagkainis kay dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario dahil sa paninisi sa kanya sa isyu sa West Philippine Sea (WPS) at nagbantang susuntukin ito kapag nagkrus ang kanilang landas.

Sa kanyang ‘Talk to the People’, sinabi ng Pa­ngulo na pilit ipinapaako ni Del Rosario sa kanyang administrasyon ang kapalpakan nito sa mga nawalang teritoryo ng Pilipinas gayong sa termino nito nangyari ang insidente.

“Itong Albert na ito ako pa ang sinisisi, kung makita kita suntukin kita eh,” anang Pangulo.

Nagpanggap lamang aniya ang dating kalihim na pinong kumilos pero hindi siya nakumbinsi dahil sa mga ginawa nito habang nakaupo sa gobyerno.

Hindi rin nakaligtas sa inis ng Presidente si dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na wala naman aniyang nagawa kundi pag­yayabang lang.

“Huwag kayong maniwala sa dalawang ‘yan, isang retired na, wala na ‘yan. Anong nagawa mo pagka-Supreme Court? Hintuan mo na ‘yang pagyayabang mo. Walang ginawa kundi magdaldal,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.