‘Pag nag-inarte si Mayweather: McGregor babaling kay Pacquiao


Isiniwalat ni Conor McGregor na lalabana­n niya si WBO welterweight champion Manny Pacquiao kung tatanggihan ni Floyd Mayweathe­r na maglaban silang dala­wa.

“The focus has been solely boxing lately but make no mistakes, the kicking and grappling aspects, and everything else got to do with unlimite­d free fighting, is still very much present in my thoughts,” post sa Instagram ng 28-year-old na si McGregor.

“Floyd may crap his jocks after all and if so I will go back to true fightin­g or just pick ano­ther boxer like Manny or something. But whateve­r that’s another conversation.”

Si McGregor, unang UFC champion ng Ireland, ay anim na buwan nang hinihimok si Mayweather na sila’y magsagupa sa isang boxing match.

Matatandaang nagpahayag si Pacquiao na puwede niyang ikunsiderang labanan si McGregor, pero sa boksing.

May negosasyon na sa magkabilang panig, pero wala pang napagkakasunduan na magbabakbakan ang reigning UFC lightweight champ at si Mayweather.

Noong Miyerkules, sinabi rin ni UFC president Dana White na wala pa siyang nakakausap mula sa kampo ng retired American boxer.

Binanggit rin si White na kikita umano si McGregor ng US$75 million sakaling magkalaban sila ni Mayweather.

Handa rin umano ang Nevada Athletic Commission na bigyan ng lisensiya si McGregor.

“We would be willing to give him a license,” lahad ni NAC executive director Bob Bennett sa Star­sport. “He will be approved for a license.”



SHARE