Una sa Balita

‘Pag minalas si Andray, andyan pa si Clarkson

0 364

PLAN B!

APAT ang naturalized player na kasama sa 19-man pool ng Gilas Pilipinas, kabilang sina Andray Blatche at Jordan Clarkson.

Ang dalawa pa ay sina Stanley Pringle at pinakahuling tinawag na si Christian Standhardinger.

Si Blatche na nakalinyang gamitin ni coach Yeng Guiao bilang naturalized pla-yer – isa lang bawat team, ayon sa FIBA.

Naka-apela pa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa world governing body para ma-classify si Clarkson bilang natural-born Filipino.

Pero anuman ang mangyari sa China sa FIBA World Cup sa Aug. 31-Sept. 15, may back-up plan si Guiao.

“Knock on wood, I hope nothing happens to Andray,” ani Guiao sa ensayo ng Gilas sa Meralco Gym nitong Lunes. “At least we have options on the naturalized players just in case anything untoward happens.”

Bubuo sa pool sina Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Mark Barroca, Beau Belga, Robert Bolick, Poy Erram, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Paul Lee, Gabe Norwood, CJ Perez, RR Pogoy, Kiefer Ra-vena, Troy Rosario at Matthew Wright.

Sa Asian Games noong nakaraang taon sa Indonesia, naglaro sa Gilas si Clarkson pero bilang naturalized player.

Filipina ang ina ni Clarkson, kaya umapela ang SBP sa FIBA na makapaglaro ang Cleveland Cavaliers guard bilang Filipino.

“We’re still hoping that a miracle happens,” pahayag ni Guiao. “We’re still not giving up on the effort on playing him as a local.” (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy