Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pag mga ospital umapaw: NCR balik lockdown

0 346

Nagbabala ang Palasyo na kung mag-full capacity ang mga ospital sa Metro Manila ay posibleng bumalik sa striktong community quarantine ang area.

“We go back to stricter quarantine or provide more facilities,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque kasunod ng mga balitang nagsisimula ulit na mapuno ang mga COVID-19 ward ng mga kilalang ospital.

Tatlong buwan sumalang sa lockdown sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ ang Metro Manila, lumuwag ang quarantine restriction noong Hunyo matapos buksan ang ilang industriya para muling buhayin ang ekonomiya ng bansa.

Ngunit nitong Linggo ay umabot sa 2,434 ang dagdag sa kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ang pinakamataas na pagtaas sa isang araw.

Paliwanag ng Department of Health (DOH) ito ay posibleng dahil sa pagluwag ng community quarantine sa bansa at pagdami ng contact ng bawat tao kaya mas delikado sa pagkahawa sa coronavirus.

Gayunpaman, nilinaw ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na nasa ‘moderate risk level’ pa lamang ang mga state hospital sa Metro Manila, at kaya pang tumanggap ng mga pasyente.

Kasabay nito ay minomontor na rin ng DOH ang anim na lugar sa bansa na nagkaroon ng mataas na kaso ng COVID19 nitong nakalipas na linggo.

Kabilang dito ang Cebu City, Cebu province, cities of Mandaue at Lapu-Lapu sa Cebu, Quezon City at Manila.

Nauna rito ay naglabas ng kautusan ang Chinese General Hospital at nagsasabing hindi muna sila tatanggap ng mga pasyente ng COVID.(RP/Juliet d Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.