Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pag-iyak ni Luis sa kasal kay Jessy pinaglaruan sa IG

0 37

Iba’t ibang mga ‘meme’ ang naglabasan dahi sa pag-iyak ni Luis Manzano sa kasal nila ni Jessy Mendiola.

Ito nga `yung kumalat na photo niya na todo iyak ang mukha habang tinatanaw ang paglapit sa kanya ni Jessy.

May mga gumawa ng ‘meme’ na kesyo `yun daw ang mukha kapag naeebak ka na, pero mahaba ang pila sa banyo. May nagsasabi na ganun ang itsura mo kapag hindi ka binayaran ng bading na bumooking sa iyo.

Pero, ang pinakamabenta raw ngayon ay ang pinost nga ni Luis sa kanyang Instagram, na kung saan ay makikita nga ang mukha niya na umiiyak, pero ang karugtong na kalahati ng katawan ay ang naka-focus na sa kanyang mga paa.

Makikita kasi na wala siyang suot na sapatos dahil masakit na raw ang mga paa niya, at ang isang daliri pa ay tila nakasabit pa sa isang kahoy.

Kaya ang mga fan, kaibigan ni Luis, tawang-tawa na naman sa mga ganap sa buhay niya. Sabi nga ni Marvin Agustin, si Luis daw ang klase ng tao na kahit ano pang kaganapan sa buhay, nagagawan ng kalokohan.

Anyway, tukso naman ng mga fan ni Luis, sanay na sanay raw kasi si Luis na mag-post ng mga ‘meme’ sa Instagram niya na puro ibang tao. At ano raw kaya ang pakiramdam niya ngayon na siya na ang sentro ng mga ‘meme’.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Masaya nga, eh!” sabi lang ni Luis.

Na oo nga naman!

Kylie gumaling anxiety sa dagat

Marami ang nagtatanong, bakit palaging nasa isla, dagat, paraiso si Kylie Verzosa? Hero nga ang sagot…

“The Island and I

“I find so much peace in nature. It grounds me and brings me back to myself and my center. I truly feel at home by the ocean or even just on a patch of grass.

“Now that we can’t really be in nature or even close to it, it may feel suffocating. It’s totally normal being the circumstances we are in today. You’re not alone.
“I crave the next time i’d be by the ocean, and won’t forget to take it all in before leaving the salt water air. I wish you could feel that feeling too, the peace, the freedom, the serenity it brings to you, and the sense of gratitude to have for life.
“The ocean teaches you so many things, it heals, it protects. May this time, no matter how difficult, bring you healing, peace and protection. Take it a day at a time, keep on going.”
Well, totoo naman, nakakatanggal ng anxiety o ano mang lungkot na nararanasan ng isang tao, kapag nasa dagat na siya. At lahat tayon, nangangarap na makapaglunoy na sa karagatan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.