Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pag-iskor ng P61B AFP jet pinababasura

0 215

Pinababasura ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas ang planong pagbili ng administrasyong Duterte ng 12 pang mahahaling fighter jets nagkakalahaga sa P61.2 bilyon.

Kasunod ito sa mariing pagkondena ni Brosas sa serye ng aerial bombings ng Armed Forces of the Philipppine (AFP) gamit ang FA50 fighter jets na nagdulot ng takot sa mga komunidad.

Partikular ang pambobomba sa Miag-ao, Iloilo na napaulat na nagresulta sa 16 casualties.

Giit ng kongresista, tila ginagamit na lamang ng military ang mga jet na panakot sa mga komunidad imbes dagdag-depensa sa seguridad ng bansa.

Hindi umano maaring balewalain ang serye ng pambobomba dahil apektado ang mga inosenteng sibilyan bukod pa sa pinsalang dulot ito sa mga taniman at bahay na isang paglabag sa international humanitarian law. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.