Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pag-iingat sa kalsada

0 80

Ilang oras sa maghapon ay nasa kalye tayo, lalo na ngayong bumabalik na naman sa kani-kanilang mga trabaho at opisina. Papunta, pabalik at kadalasan sa gitna ng araw ay pisikal nang pumupunta sa mga meeting, field locations, at iba iba pang mga lugar. Dahil dito mahalaga na mayroong kaalaman tungkol sa pag-iingat sa kalsada. Noong May 10, 2011 ay itinalaga ang Presidential Proclamation No. 115-A. idineklara na ang buwan ng Mayo ay Road Safety Month upang isulong ang pagiingat sa kalsada at iangat ang kaalaman at kamalayan sa maaaring damay nito sa kalusugan at pati na ang mga gastusin dahil dito.

Sa buong mundo, halos 1.3M na katao ang namamatay dahil sa aksidente sa kalye. Halos 20-50M naman ang nasusugatan. Ito ang datos ng World Health Organization (WHO). Dito naman sa ating bansa, 12,000 libo ang namamatay kada taon sa kalsada ayon sa SSRN Electronic Journal. Ang insidente ng mga aksidente ay tumataas at dumoble na ang bilang sa isang dekada. Mula ito sa mahigit 63,000 umabot sa mahigit 116,000. Base sa mga pananaliksik, ang mga dahilan ng mag aksidente ay ang mag sumusunod; pagkakamali ng mag nagmamaneho, depekto ng sasakyan, pagmamadali at pagpapatakbo ng mabilis, paginom ng alak, at sirang mga kalye. Mas madami din nakitang aksidente sa umaga kaysa sa gabi.

Dahil dito, mayroong mga bagay na hindi natin basta basta mababago, tulad ng mga sira sa kalsada. Ipagpaliban natin ito sa mga namumuno sa ating pamahalaan. Ngunit ang karamihan ay nakasalalay sa atin. Ang mga sumusunod ay maaari natin gawin upang maiwasan ang mga aksidente sa daan. 1. Huwag gamitin ang cellphone habang nagmamaneho. Ito ay isa sa nangungunang pagkagambala sa sasakyan. 2. Isuot ang seat belt. Mayroong batas para dito. 3. Huwag uminom ng alak kung magmamaneho. Bumabagal ang mga reaksyon at maaaring makatulog pa. 4. Huwag mag madali at maghinay hinay sa pagmaneho. Kaunting pagbagal sa bilis ng pagmaneho ay may malaking pagkakaiba kung maaksidente. 5. Mas magingat kung nay bata sa sasakyan o sa kalsada. May pagkakataon na pabigla bigla ang kilos nila at maaaring maging sanhi ng aksidente. 6. Kung malayo ang biyahe, magpahinga ng madalas. Ito ay para makasiguro na mawala ang pagod sa pagmamaneho. 7. Kung pedestrian, huwag din pabigla bigla ang pagkilos at baka mabangga. 8. Mag anticipate at asahan ang mga kilos. Mapapedestrian o nagmamaneho ng sasakyan. 9. Kung may bata din sa sasakyan, gumamit ng car seat. At, 10. Magbigay distansya sa sasakyan na sinusundan.

Madami pang maaaring makasagabal sa pagmamaneho, pati na din kung pedestrian o pasahero. Hindi naka skedyul ang aksidente, hindi nati masasabi kung kailan mangyayari ito, kaya ang pinakamahalaga ay palaging magingat sa daan.

Hanggang sa susunod ! Keep healthy! Stay safe! Sundin ang minimum health requirements! Magpa-booster!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing sabado 715am) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.