Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pag-ihi sa arinola

0 73

Ang naalala ko sa panaginip ko nito lang nakaraan ay nakita ko raw ang sarili ko na naghahanap ng cr sa isang park, parang sa Luneta. Wala raw akong makitang cr kahit ihing-ihi na ko, tapos may isang tao na lumapit sa akin at inalok ako na umihi sa arinola. Ginawa ko raw ang payo niya kahit na nasa pampublikong lugar kami—bagay na hinding-hindi ko naman gagawin sa totoong buhay. Ano kayang kahulugan ng panaginip kong ito? Salamat.

– Baste

Kapag nakita mo ang sarili mo sa panaginip na nagpunta sa palikuran para umihi, nangangahulugan ito na kailangan mong ma-release ang mga kinikimkim mong emosyon.

Isa sa mga common dream ang panaginip na ito at sa pangkalahatan ay nangangahulugan ito na nawawala sa kontrol ang iyong buhay.

Kung sa panaginip mo ay may nakita kang ibang tao na umiihi, ibig sabihin nito ay kailangan mong i-improve ang paraa mo ng pakikipag-usap sa ibang tao. Posible rin namang may mga tao sa buhay mo ngayon ang pakiramdam mo’y nag-aaksaya sa oras mo.

May isang pagpapakahulugna na nagsasabing may kaugnayan ang panaginip mong ito tungkol sa paparating na gain o pag-angat ng pinansyal.

Sa parte kung saan umihi ka sa pampublikong lugar gamit ang arinola, ipinahihiwatig nito na dapat kang maging mas pribado sa iyong waking life. Baka may mga impormasyon kang naibabahagi sa ibang tao na mas karapat-dapat na manatili na lamang bilang sikreto sa iyong sarili at huwag nang ipaalam pa sa iba.

Ayon naman sa esperkto, posible rin naman na napapanaginipan natin ang tungkol sa ihi kapag puno ang ating bladder sa pagtulog, kung lagi mo itong napapanaginipan maaari mo ring ikonsidera ang ganitong paliwanag.

Sa pangkalahatan, hindi naman negatibo ang ibig sabihin ng panaginip mo dahil nagbibigay ito ng paalala na parating sa iyo ang mga positive aspect lalo na ang may kinalaman sa pera. Kailangan mo lamang gamitin ang sarili mong katangian na tingin mo’y makatutulong para maging better person ka.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.