Una sa Balita

Pag-file ng COC ni Ethel Booba inaabangan ng mga fan

By
0 1,012

Maraming naghihintay sa pag-file ng COC or Certificate of Candidacy ng komedyanteng si Ethel Booba.

Isa kasi si Ethel sa mga walang takot na magbigay ng kanyang komento sa kapalpakan ng ilang politiko. Kaya inakala ng marami na nais nitong tumakbo sa isang posisyon para makatulong siya sa mga kakulangan ng mga inilalagay sa puwesto.

Pero bigo ang lahat dahil walang COC na nai-file si Ethel. Isang tweet lang ang pinarating ni Ethel sa kanyang mga follower:

“Masyado nang comedy ang politika natin wag na natin dag­dagan ng isa pang katatawanan. Charot!”

May dahilan daw kung bakit hindi pumasok sa isipan ni Ethel ang tumakbo sa susunod na elek­syon.

“Politics is not for me. Ibigay natin yan sa tunay na may alam. Madami dyan karapat-dapat kaya dapat maging mabusisi nga­yon sa pagpili ng iboboto. Hindi popularity contest ang politika. Charot!”

May hinahangaan daw na mga politician si Ethel, lalo na ‘yung marunong tuparin ang kanilang mga pangako. Kasama sa hinangaan niya ay si Senator Nancy Binay.

“I remember Senator Nancy Binay. We thought that she doesn’t deserve the Senate because her experience in politics was her 20 years OJT. Looking her now, she’s doing great in her position. Charot!”

Tinanong si Ethel kung ano ang mga naipasang bill ni Senator Binay?

“Three of her bills became law. Co-sponsor din ng Expanded Maternity Leave Law. Google mo na lang yung iba. Charot!”

Tinanong din si Ethel kung pepresyuhan ba niya ng isang mil­yon ang boto niya para sa isang candidate?
“My boto is not for sale pero pwede nila ako kunin magshow sa campaign rally nila. Di aabot ng 1M ang TF ko. Charot!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy