Una sa Balita

Pag-atras ng MVP-Gilas sa Asian Games

KABALIWAN!

By
0 2,340

KUNG may pinaka-competitive team na puwedeng ipadala ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa Asian Games, ‘yun ay ang Gilas pa rin.

Ang mayorya ng mga PBA Go­vernor, sang-ayon na makakapagbigay ng matinding kompetisyon ang Gilas sa ­Indonesia.

Nitong Huwebes nang gabi ay nagdesisyon ang SBP na huwag nang magpadala ng team na isasabak sa men’s basketball competition ng Asiad. Nagkasundo na ang PBA at SBP na ang core ng Rain or Shine ang ipapadala, hahawakan ni coach Yeng Guiao, pero lu­malabas na walang ibang tao na makuha.

Punto ng mga governor, hindi kasama ang Asian Games sa sanction ng FIBA na hindi puwedeng paglaruan ng 10 Gilas player na sinuspende dahil sa riot kontra Australia sa home game ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers noong July 2.

“Puwede nga sila maglaro (sa Asian Games) ‘di ba? The whole Talk ‘N Text or Gilas. Hindi naman FIBA-sanctioned ‘yung Asian Games. paanong hindi makaka-form ng competitive team? It’s there oh…” punto ni Robert Non ng San Miguel.

Una ay TNT KaTropa na ang ipapadala, pero umatras din. Apat sa sinuspende ng FIBA sa Gilas – sina Jayson Castro, RR Pogoy, Troy Rosario at Terrence Romeo – ay nasa TNT.

“They’re (Gilas) qualified to play in the Asian Games. the big question, why not?” dagdag ni Alfrancis Chua ng Gineb­ra. “Let them play, the whole team of Gilas palaruin natin. Nahihiya tayo? Natatakot tayo baka magalit ang FIBA?”

Puwede rin umanong hiramin si naturalized Andray Blatche na kasama sa sinuspende ng FIBA. Sa mga World Cup window lang naman suspendido ang Pilipinas, hindi sa ibang laro.

“‘Yun (Gilas) competitive talaga ‘yun,” dagdag ni Chua. “Kung gusto lang ni (national coach) Chot (Reyes), kasi sabi niya ayaw niya sumali dun (Asian Games) ‘di ba?”