Una sa Balita

Pag-atake sa mga pari inawat ni Bam Aquino

By
0 531

NANAWAGAN si Senador Bam Aquino na itigil na ang mga pag-atake sa mga paring Katoliko makaraang ilan sa mga ito ang makatanggap na ng banta sa kanilang mga buhay.

“Kailangang matigil na ang mga paninirang ito sa ating kaparian…Iyong mga death threat po sa ating kaparian seryosong bagay iyan at mahalagang mahinto na itong karahasan sa ating religious sector,” saad ni Aquino.

Iginiit ng senador na dapat maitigil na ang pang-aalipusta sa mga pari sa paggiit na ­hindi rin katanggap-tanggap sa kultura ng mga ­Pilipino ang panghahamak sa Diyos.

“Itong paninira sa kanila, kailangan na itong matigil. Hindi bagay sa kultura natin na minamaltrato at minumura ang religious sector,” diin ni Aquino.

Idinagdag pa nito na dapat maging sensitibo ang administrasyon sa pagtira sa mga pari sa pagsasabing mandato ng mga ito na magsalita sa mga isyu na may kinalaman sa moralidad.

Hinimok din nito ang gobyerno na seryosong aksyunan ang mga death threat laban sa mga pari sa pamamagitan ng pagtiyak sa seguridad ng mga ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy