Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pag-atake ng NPA sa mga evacuation area kinondena

0 330

Kinondena kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang ginawang pagsalakay ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga pulis, sundalo at mga sibilyan na nagsasagawa ng paglilikas sa mga residente sa Visayas at Mindanao dahil sa pananalasa ng bagyong Odette kamakalawa.

Ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos, ang kambal na pag-atake ng mga teroristang NPA sa Samar at Surigao del Sur sa mga pulis, sundalo at sibilyan sa preemptive evacuations ay nagpapatunay na pagiging hindi makatao ng mga ito.

Dahil dito ay mahigpit na ipinag-utos ni Carlos ang agarang pagdakip sa mga suspek.

Matatandaang kamakalawa ng umaga sa Barangay Esperanza, Carmen Surigao del Sur ay tinambangan ng grupo ng NPA ang convoy ng mga sundalo at health workers na magdadala sa mga residente sa evacuation center kung saan nabaril at nasugatan ang dalawang sibilyan, ayon kay Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel.

Sugatan din ang dalawang miyembro ng Special Action Force (SAF) at isang sibilyan sa naganap na pag-atake ng NPA sa Barangay del Rosarion, Matuguinao, Samar habang nagsasagawa din ng preemptive evacuation dahil sa bagyong Odette.

Kinilala ang sugatang mga biktima na sina Cpl. Abner Balante, Cpl. Manuel Carlos, at sibilyan na si Jomar Diaz. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.