Una sa Balita

Pag-alala kay Ninoy Aquino at sa Plaza Miranda

0 508

SULAT KAY EDITOR

Dear Editor:
Ngayong araw ay ipinagdiriwang ang Ninoy Aquino Day bilang pag-alala sa kamatayan ni Benigno Aquino Jr., ay siya namang pag-alala sa ika 48 years na paggunita sa Plaza Miranda bombing kung saan marami ang namatay at nasaktan sa Quiapo, Manila kung saan sa araw na iyon ay nagtitipon-tipon ang ilan sa mga miyembro ng Liberal Party laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Related Posts

Maaring-marami sa atin ang hindi nakakaalam na sa parehong araw ng pagkamatay ni Ninoy ay siya ring araw kung saan naganap ang pangyayari sa Plaza Miranda. Sa tagal din na panahon ay napaniwala ang karamihan sa atin na ang naging utak ng nasabing pagsabog sa ­Plaza Miranda’y si Marcos. Ngunit sa huli, ang katotohanan pa rin ang siyang nananaig dahil sa pagsisiwalat ng mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF na walang kinalaman si Macoy sa nangyaring pagsabog at ang lahat ng iyon ay sadyang pinagplanuhan ni Jose Maria Sison.

Nakakalungkot dahil sa araw na ito, tanging naaalala lamang ng karamihan ay ang kamatayan ni Ninoy, ang mga nasayang na buhay, at mga biktima ng ­pambobomba’y hindi kailanman naaalala maliban na lang sa mga ­kanya-kanyang mga pamilya nila. Nawa’y mabago at maitama­ ang ating kasaysayan at mabigyan naman ng pag-alala­­­ ang mga ­biktima ng Plaza Miranda bombing at maiwasto ang maling paniniwala sa dating pangulong Marcos.
Manny Ibarra

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy