Una sa Balita

Pag-aasawa ni Robi ‘di bet ng ina

0 489

Sa unang pagkakataon, pinaunlakan si Robi Domingo ng kanyang ina na si Dra. Mary Ann Domingo na mag-guest sa kanyang vlog sa kabila ng busy schedule nito. Unang beses din na ipinakilala ni Robi ang kanyang ina sa publiko.

At dahil din sa pagpapakilala ni Robi sa kanyang ina sa pamamagitan ng kanyang vlog, tila mas nakilala rin ng mga fan si Robi nang husto.

Sa naturang episode, naghalungkat sila ng ilan sa memory lane ni Robi at ng kanyang ina mula sa isang antique na baul.

Cute thing tungkol sa mom ni Robi, maski ang mga tuition fee receipts nina Robi ay naitago pa niya. Pero dahil nga sa pagto-throwback nilang mag-ina, very evident talaga kung gaano kabuting estudyante at anak si Robi which is mas na-turn on ang mga girls.

Kitang-kita rin sa episode na iyon kung gaano ka-sweet si Robi sa kanyang ina na talaga namang dagdag pogi points din para sa mga fan.

Anyway, sa “What If” portion challenge ni Robi, biglang natameme ang kanyang ina na parang tutulo na rin ang luha nang tanungin ni Robi kung “What if mag-propose na ako next year?” knowing na ang sinasabing “next year” ay ilang saglit na lang dahil November na ngayon.

Obvious namang hindi pa handa ang kanyang mommy dahil sa sagot nitong “hindi ko alam” at itsura pa lang ay parang binagsakan ng malaking bagay sa mukha.

Well, parang hindi pa niya kayang mawala sa tabi niya ang kanyang baby boy na si Robi.

Also, binawi rin agad ni Robi ang sinabi niyang magpo-propose siya nang makita ang reaksyon ng ina. Tinanong pa nga siya kung “hinahanda” niya na ba ang mommy niya pero ang sabi naman ni Robi, “What if lang naman, pero hindi pa.” (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy