Una sa Balita

Pag-aarmas sa pari, punong brgy. at iba pa hindi solusyon

By
0 379

Sunod-sunod ngayon ang mga nangyayaring krimen sa ating bansa tulad nang pagpatay sa ilang pari o alagad ng Simbahang Katoliko at maging ng mga prosecutor.

Dahil dito ay may mga panukalang bigyan na ng armas ang mga pari, mga pro­secutor at ­maging ang mga punong barangay.

Pero ang pag-aarmas o pagbibigay ng baril ba ang solusyon upang mabawasan ang problema sa kri­minalidad sa bansa?

Sa panig ng mga pari ay tutol naman ang mga obispo na mag-armas ang kanilang kasamahang alagad ng simbahan kahit pa may tatlong insidente na ng krimen ang nangyari sa mga ito.

Sa mga prosecutor naman ay maaari silang magdala ng sa­riling baril pero hindi naman ito garantiya na makakaiwas sila sa krimen.

Ngayon ay mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabing armasan na ang mga punong barangay upang makatulong sa pagsugpo ng krimen sa bansa.

Pero dapat bang payagan ang mga opis­yal ng barangay na makapagdala ng baril kung hindi dumaan sa mahigpit na pagsusuri at kakayahan nito?

Solusyon nga ba sa kriminalidad sa bansa ang pag-aarmas o dapat ay mas paigtingin pa ang trabaho ng mga pulis at iba pang law enforcement agency sa bansa?

Kung talagang kulang ang bilang ng mga pulis ay makakabuting magdagdag na pa ito ng puwers­a upang mapagbuti ang pagmamantine sa peace and order sa bansa.

Sa halip na armasan pa kung sino-sino ay maaari namang hi­ngin na lang ang tulong ng publiko o pribadong mamamayan upang magbantay at magbigay ng impormasyon sa mabilis na ikalulutas ng kaso.

Kung pag-aarmas kasi ang gagawing solusyon ay baka naman mas lumala ang problema at lalong makasama ito sa ating peace and order sa bansa.