Una sa Balita

Pag-aalaga ng panabong ni Alan Dolorez daig pa sa asawa!

By
0 1,638

NGAYON panahon ng tag-ulan masusubukan ang mga taga-alaga kung gaano nila kamahal ang kanilang mga manok panabong.

Sa ganitong panahon na pabago-bago, iinit tapos biglang bubuhos ang ulan ay delikado ang kalusugan ng mga panabong na manok, dahil exposed sila sa lahat ng uri ng sakit.

Kaya nakasalalay ang kaligtasan ng mga manok sa tagapag-alaga, nagpapakabasa sila sa ulan mapakain lang at mabigyan ng bitamina ang kanilang alaga.

Ayon kay Alan Dolorez, kahit marami siyang ginagawa ay kailangan niyang bumalik sa manukan upang pakainin ang mga ito at kapag bumuhos ang malakas na ulan ay sinisiguro nitong safe ang kanyang mga alaga.

“Kahit ano mangyari tinitiyak ko na safe ang mga alaga ko, sinisilip ko sila kapag gabi lalo na kapag malakas ang ulan, palagi nauuna pa silang kumain kesa sa akin,” kuwento ni Dolores na nagtatrabaho sa SevDong Gamefarm na pag-aari ni Engr. Jonathan Manzano.

Kailangan ng mga handler palakasin ang resistensya ng kanilang mga alaga upang hindi basta-basta kapitan ng sakit, pinakamahirap na panahon sa pag-aalaga ay ang tag-ulan.

“Dapat mahaba ang pasensya mo, huwag maging tamad kasi may ginhawa kapag maayos mo silang alagaan bukod dun ay matutuwa pa ang boss mo,” ani Dolores.

Isa ang handler sa mga nalulungkot kapag nadidisgrasya ang kanilang mga alaga tulad ng kapag natalo sa derby, kaya hangga’t maaari ay hindi nila iniiwanan ang mga kinukundisyon na mga panlaban upang sakaling dalhin sa sabungan ay makababalik pa sila sa kanilang tahanan.