Una sa Balita

Paeng, Onyok bibigyang inspirasyon ang Team PH

0 416

BIBIGYANG inspirasyon at motibasyon ng Pili­pino sports heroes sa pamumuno nina Olympic meda­list Mansueto ‘Onyok’ Velasco Jr. at Leo­poldo Serrantes ng boxing ang mga pambansang atlleta na sasabak sa 30th Southeast Asian Games sa Team Philippines Send-off Ng Bayan ngayong hapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.

Magbibigay inspirasyon din sina Bowling hall of famers Paeng Nepomuceno at Bong Coo pati si Asia’s first chess grandmaster Eugene Torre sa national squad na ibigay ang kanilang buong makakaya sa kada dalawang taon na SEA Games na magsisimula sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Nasa bansa din ang track and field icon na si Lydia De Vega-Mercado para makasama si Elma Muros-Posadas sa pagbibigay ng kanilang istorya ng tagumpay sa 1,115 Pilipinong atleta mula sa 56 sports na lahat ay nagnanais na kolektibong masungkit ang SEAG overall title para sa bansa.

“Our athletes are the heart and soul of the country’s campaign in the Olympics,’’ sabi ni Team Philippines chef de mission at Philippine Sports Commission Chairman William I. Ramirez.

Maliban kay Ramirez, kasama rin sina Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino at House Speaker at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Chairman Alan Peter Cayetano upang iangat ang morale ng mga atleta pati na rin sa Pilipino Paralympic athletes para maabot ang target.

Inimbitahan din sina Senador Bong Go, Chairman of the Senate Committee on Sports, kasama si Manila City Mayor Francisco Moreno Domagoso.

“With the all-out support of the government, I’m positive that our athletes will deliver,’’ sabi ni Ramirez, na siya ding nanguna sa Team Philippines bilang CDM sa kauna-unahang overall title ng bansa noong 2005 Manila SEAG. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy